Lunes, Marso 9, 2015

BAYAN KONG MAHAL

BAYAN KONG MAHAL (Fallen 44)
Erwin M. Valiente

Bayan kong mahal na hitik sa yaman
Akin kang inalagaan, higit pa sa aking buhay.
Ikaw ay iningatan na parang kayaman
Upang kaw’y hindi madungisan.

Parang kelan lang, ang bayan kong mahal
Madali kang bigyan ng karangalan.
Simpleng tulong lamang ang kailangan
Pangarap na matagal ng hinintay ay makakamtan.

Madami ng kasaysayan ang pinagdaanan
At ipinakita ang katapangan.
Sa kahirapan at kaginhawaan
Akin kang katuwang magpakailanman.

Ngunit isang karahasan ang nabalitaan
Mga kawatan na walang pakinabang.
Sumisira ng yaman at kumikitil ng buhay
Kaya’t aking bayan ay nalamatan.

Nagbuwis na ng buhay ang karamihan
Pati mga walang malay ay nadadamay.
Subalit itong mga halang ay walang pakundangan
Tagos ang kahalayan, sagad hanggang kalamnan.

Sana naman ako ay mapagbigyan
Katahimikan at kaginhawaan ay muling makamtan.
Nang sa gayon ay maging kapakipakinabang
Ang nalalabi at natitira kong buhay…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento